At ngayon na nga yun.
Wala ng iba pang tamang oras. Wala ng mas tatama pa sa panahong 'to. Tamang ngayon na nya harapin ang consequences ng lahat. Tamang ngayon ko bigyan ang sarili ko ng pagkakataong sumaya. Nasaktan nya ko. I tried to stay as much as I can. For how many times, I hoped, that he might be able to see how worthy I am of his time, attention, effort and love. But, for so many times he just made me realize, we're better off apart. Ilang beses ko na rin sinubok na tigilan, pero hindi ko nagawa. At sa dulo, sya pa rin. Ilang beses ko sinubukang lumaban. Maraming beses ko sya ipinaglaban. At sa dulo, wala pa rin.
This time, there's no turning back. I gave him chances. I even let him know that was the last.
All this time, hindi ko naman isinumbat sa kanya lahat. Sa katunayan, tuwing nagkikita kami, nilulunok ko lahat ng sama ng loob, lahat ng galit; hindi ako nagpanggap, kinalilimutan ko lahat.. para magkaron ng magagandang sandali.
Pero.. ako pa ba naman ang nagkulang? Hinding hindi. Sa ilang taon, wala naman syang dapat at pwedeng isumbat sakin. Ramdam kong walang walang syang gana sa relasyong yun. Had he made me feel he's also into that bullshit, I could've stayed. Kung ipinaramdam nya lang sana yung pagkagustong ituloy. Hindi eh.
Pa-isa lang ha. Hindi ako ang nagkulang. Ikaw.
I tried to bear everything, but I guess I just don't deserve to be fighting that damn fight.
Eh yun na nga. I can't let time pass, I can't bear letting people go just to make sure I'm ready. I need not waste time. Life is short. I deserve to be happy.
Ang dami kong pinalampas na pagkakataon, at buti na lang, tila pagkakataon ang naghintay sakin.
Maaaring lumingon ako. Para tumingin, magmasid. Pero hindi na ko lilingon para bumalik..ulit
Eto na nga sana, eto na nga siguro.
Wala ng iba pang tamang timing, kundi ngayon, ngayon na yun.
No comments:
Post a Comment