Monday, April 22, 2013

Sun Cellular, the Good Choice in Postpaid

Hot deals froam Sun Cellular that are just as hot as this summer just for you!
Since the SLIM, light and thin are IN this summer, Sun Cellular offers the slimmest phones to make this season more awesome! 

You can now avail Sun Plan 600 and Sun Plan 900 and enjoy amazing perks!

Avail Sun Plan 600 and get the LIGHTEST phone from Alcatel, Alcatel Idol plus you can enjoy unlimited Sun calls and texts plus 250 load and 350 free texts to other networks. 

Get the THINNEST phone from Alcatel, Alcatel Idol Ultra and enjoy unlimited mobile internet and unlimited sun texts plus 4 hours sun calls only at Plan 999. 

Who wouldnt love how Sun Cellular makes it easier and just more convinient to connect with everyone for summer getaways through these cool offers? It is definitely more fun with Sun Cellular! 






Monday, May 14, 2012

Monday, March 26, 2012

#casualangtanongcasualdinangsagot

May nagtanong sakin, "paano mo malalaman kung sya na?", napaisip ako. Paano nga ba?

Pag tumibok ng mabilis ang puso?
-Eh! Tumitibok ng mabilis ang puso pag nahihiya, pag mageexam at hindi ka nakapagaral. Pag nakasakay ka na tapos nakalimutan mo pala yung wallet mo. Pag natatae ka sa daan. Pag nakakita ng daga. Pag patulog ka na tapos parang nahulog ka sa kama o kaya dumulas sa slide kahit di naman. Pag nahuli kang nagsisinungaling. Kinakabahan ka pag natatakot ka, naiinis ka. Walang warning na love na pala yun.

Pag gusto mo sya kasama? - Marami namang dahilan kung bakit gusto mong kasama ang isang tao, pwedeng malakas kasi sya manlibre, yung tipong share na kayo sa baon nya araw araw. Pwedeng magaling kasi syang magpatawa eh pinagkaitan ka ng kasiyahan. Pwedeng ring may something sa hitsura nya. Pwedeng sobrang nakakaganda ng mood ang aura nya at gusto mo sya laging makita. Pwedeng hawig nya ang nanay mo eh nakadorm ka. Maraming pwedeng dahilan, pero walang magsasabi sayo kung love na nga ba yun.

Pag inuulit ulit mong basahin yung messages nya at yung reply mo sa kanya? - Ay pwede. Ibig sabihin may something pag inulit ulit mo na. Pag ang pagkain inulit ulit mong orderin, ibig sabihin masarap talaga. Pag ang damit inuulit ulit mong suotin, ibig sabihin feeling mo bagay sayo. Pag paulit ulit kang nagsosorry sa isang tao pag galit sya sayo ibig sabihin importante sya sayo. So, baka nga. Pero hindi mo pa rin masisigurado, baka yan yung bestfriend mong sobra kung manlait, naconscious ka kung tama ba ang grammar mo. O baka ang ganda lang ng pagkaenglish nya, kinakabisado mo para may maistatus sa facebook. Pero pwede, infairness. Pakiramdaman mo lang maigi kung ano ba yang something na yan, kasi walang alarm pag sya na, at pag tamang oras na.

Pag gusto mo sya lagi kausap? Di rin. Baka naman dahil lang brokenhearted ka? Rebound? Assist? Wag naman sana. User ka na ng maraming bagay sa mundo, idagdag mo na rin ang facebook, yahoomail, gmail, twitter at kung ano ano pang may dot com dala ng makabagong teknolohiya. Wag ka ng umextend sa tao. Pwede ring wala ka lang makausap na iba. Lahat busy sya lang hindi, baka sya lang naglalaan ng oras sayo? Baka crush ka nya? Baka lang. Wag naman feeling.

Maraming sabi sabi, kung anong feeling pag inlove. Kung paano ba pag sya na. Pwedeng totoo, pero hindi ka makakasigurado sa mga yun. Kasi nga, walang alarm, walang magsasabi sayo, walang warning. :)

Kung pwede nga lang, murahin ko na lang sya o kaya d ko na lang sagutin. Ang hirap isipan ng sagot iyong tinanong sakin. Kaya pala mahirap, kasi narealize ko, "hindi mo naman talaga masisigurado kung sya na, malalaman mo na lang, hindi pala sya". Walang warning. At para malaman mo, subukan mo. :)