Wednesday, March 14, 2012

...

Nagkita, nagkasama ulit kami.

Eh ano ngayon? Walang malisya.

Pero, masaya. Masaya, kahit walang nakakatawa, kahit hindi kami tumawa. May saya, kahit galit ako sa kanya, kahit maraming nangyari, kahit marami akong naririnig.

Namiss ko sya. Eh kasi nga masaya ako pag kasama sya. Lahat nasasabi ko sa kanya. Kahit ubod sya ng sungit, kahit ang yabang nya, natatawa pa ko. May mga bagay na sa tingin lang, nagkakaalaman na. May mga joke na kahit di bitawan, may mga salitang kahit piliting ilihis, may mga mensaheng kahit di iparating, kusang dumarating, natatanggap, nararamdaman.

May mga pagkakataong gaya nito, naiisip ko, sana kami na lang. Pero naisip ko, ganon lang naman talaga kmi. Pag magkasama, walang problema pero pag nagkahiwalay na, hindi na namin alam pareho kung ano na ba. Kaya nga ayaw kong maghiwalay kami kagabi. Alam kong iba na bukas, sa isang araw, sa isang buwan.

Pero wala lang yun. Pagkatapos naman nun, wala na ulit yan. Kailangan ko nanamang mabuhay sa mga alaala, sa pananariwa ng mga nagdaang sandali. Eh kasi, may sarili na kaming mga buhay.
Bakit ba di ako makalimot. Parang mahal ko pa sya. Parang..mahal na mahal. Parang ganon din sya. Pero wala yun.

Ano lang kami..magkaibigan. Oo ganon kami.. minsan.

No comments:

Post a Comment